Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Tondo Maynila

By Mark Gene Makalalad October 18, 2017 - 07:50 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa isang Piso net shop sa Brgy. 13, Zone 2, San. Faustino St, Tondo, Manila.

Naliligo na sa kaniyang sariling dugo ang lalaki na naka-brown na shorts at pulang sando na nadatnan na tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga residente, nakarinig na lamang sila ng dalawang putok ng baril at makaraan ang ilang minuto ay apat na sunud-sunod na putok na baril ang narinig nila.

Tila nakikipambuno rin umano ang biktima sa pumatay dito, dahil nakarinig ang mga residente ng sigaw.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki na batay sa mga residente ay dayo lamang sa lugar.

Sa imbestigasyon naman ng Manila Police District, nasa edad 30 hanggang 35 ang biktima na nasa 5’4 naman ang taas.

Nagtamo rin ito ng tama ng bala sa ulo.

Nangyari ang pamamaril bago mag alas 3:00 ng umaga kung saan nasa kalagitnan pa ng mahimbing na tulog ang residente ng barangay.

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, Tondo Manila, ambush, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.