Driver ng Grab sugatan sa aksidente sa Legarda, Maynila

By Mark Gene Makalalad October 18, 2017 - 07:20 AM

Kuha nI Mark Makalalad

Nang dahil sa sobrang antok, bumangga ang isang driver ng Grab sa center island ng Sta. Catalina College sa Legarda Maynila.

Pauwi na sana ang driver na si Jiovanni Agustin, 28-anyos makaraang ihatid ang kanyang pasahero alas-12:00 nang hating gabi nang bigla itong mapapikit sa sobrang puyat dahil nag-overtime siya sa trabaho at sideline niya ang pagiging Grab driver.

Ang resulta, hindi nya namalayan na wala na pala sa linya ang kaniyang minamanehong Toyota Innova at sa sobrang gilid ay inararo nito ang harang na bakal sa ilalim ng Legarda, LRT 2.

Wasak ang harapang bahagi ng sasakyan at nasira din ang side mirror nito at pumutok ang 2 gulong.

Rumesponde naman agad ang mga tauhan ng Manila Traffic Bureau sa insidente.

Hinatak ang bumanggang sasakyan at nilinis ang area para hindi na makaabala sa mga dumadaan na motortista.

Ligtas naman ang driver at nagtamo lamang ng minor injury sa kanang kamay.

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, grab car, Legarda Manila, accident, grab car, Legarda Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.