Rerouting ng mga PUV sa Marcos Highway sa Pasig, sisimulan ngayong araw

By Jay Dones October 18, 2017 - 02:33 AM

 

Simula na ngayong araw ang rerouting at pansamantalang traffic scheme para sa mga motoristang palagiang naaapektuhan ng matinding traffic dahil sa konstruksyon ng LRT Line 2 sa Marcos Highway sa Pasig City.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) naging matindi ang pagbibigat ng trapiko nito sa naturang lugar dahil sa pagsisimula ng konstruksyon ng extension ng LRT Line 2 project.

Kaya’t upang maibsan ang matinding traffic, simula ala 1:00 ng tanghali ngayong Miyerkules ay hindi na pahihintulutan ang mga pampublikong sasakyan na huminto sa kahabaan ng Marcos Highway, partikular sa tapat ng Robinsons East Mall.

Magtatalaga na lamang ng unloading at unloading zones sa access roads tulad ng Imelda Avenue, sa likod lamang ng Robinsons at Sta. Lucia Mall.

Sa kabilang lane naman ay papayagan lamang na magbaba at magsakay ng pasahero sa tapat ng Caltex gasoline station.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.