Duterte sa mga ayaw magpalit ng jeep: “Guguyurin ko ‘yan sa harap ninyo”

By Kabie Aenlle October 18, 2017 - 02:15 AM

 

Binibigyan na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang katapusan ng taon ang mga jeepney drivers at operators para baguhin ang kanilang mga luma at kakarag-karag na jeep.

Ayon kay Duterte, dapat pagdating ng January 1, 2018 ay bago na ang mga jeep na pumapasada sa mga lansangan.

Banta pa ng pangulo, pagdating ng panahong iyon, oras na makakita siya ng mga luma at walang rehistrong jeep ay sisirain niya ang mga ito sa harap mismo ng nagmamay-ari at nagmamaneho ng mga ito.

“Kaya, I’ll give you until the end of the month or until the end of the year. Sumunod kayo because January 1 [2018], pag may makita ako diyan mga jeep ninyo, walang, di narehistro, luma, guguyurin ko yan sa harap ninyo,” ani Duterte.

Dagdag ng pangulo, kung gusto ng mga ito ng gulo ay marami naman siyang mga pulis.

Kung pagdating aniya ng Enero ay hindi pa rin namo-modernize ang mga jeep, dapat na aniyang umalis ng mga driver nito at na wala na siyang pakialam kung maghirap ang mga ito at magtiis sa gutom.

“Pag di kayo na modernize, umalis kayo. Mahirap kayo… sige. Magtiis kayo sa hirap at gutom. Wala ako pakialam,” aniya.

Paliwanag ng pangulo, masyado nang maraming ibinubugang carbon dioxide ang mga lumang jeep at nalalagay na sa alanganin ang kalusugan ng mga tao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.