‘Major military operations’ sa Raqqa, Syria itinigil na; ISIS halos maubos na

By Jay Dones October 18, 2017 - 02:06 AM

 

Halos mabawi na ng tuluyan ng US-backed military forces ang Raqqa, Syria na nagsisilbing kapitolyo ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Ayon sa tagapagsalita ng Syrian Democratic Forces, wala na sa kontrol ng ISIS ang Raqqa na nagsilbing ‘stronghold’ at sentro nito ng operasyon sa mahabang panahon.

Sa ngayon, itinitigal na ng militar ang mga ‘major military operations’ sa lungsod at tanging manaka-nakang labanan na lamang ang nagaganap.

Tanging ginagawa na lamang sa lungsod ay ang tugisin ang nalalabi pang miyembro ng teroristang grupo na kakaunti na lamang.

Ito aniya ay maituturing na ‘decisive victory’ para sa Arab at Kurdish Forces na nagtulung-tulong kasama ang Amerika upang mabawi sa kamay ng ISIS ang naturang lungsod.

Inaasahan na sa mga susunod na araw, idedeklara na rin ang ‘liberation’ o paglaya ng Raqqa sa kamay ng Islamic State.

Taong 2014 nang ideklara bilang ‘caliphate’ ng ISIS ang Raqqa bilang kapitolyo at nagsilbing sentro ng kanilang terror operations sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.