4-taong gulang na bata, nalunod matapos maaksidente ang sinasakyang bangka

By Kabie Aenlle October 18, 2017 - 01:40 AM

 

Nalunod ang isang apat na taong gulang na bata matapos maaksidente ang sinasakyan niyang motorboar sa baybayin ng Barangay Anibong sa Tacloban City, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Lawrence Caillo, na sumama sa kaniyang ama na si Wilfred, sa paghahatid sa pitong Chinese patungo sa kanilang barko.

Gayunman ayon kay Eastern Visayas Police Regional Office spokesperson Chief Insp. Bella Rentuaya, tumaob ang sinasakyan nilang bangka, madaling araw ng Martes.

Ayon naman kay PO1 April Rose Badon na duty officer ng Women and Children’s Concern Division, nalunod ang bata matapos itong ma-trap sa tela na ginagamit pang-tabing sa bangka para maprotektahan ang mga pasahero mula sa init ng araw.

Tumaob ang bangka matapos biglang tumayo ang isa sa mga dayuhang pasahero ni Wilfredo, sa kabila ng paalala niyang dahan-dahanin lang ang pagkilos para mapanatili ang balanse nito.

Ani pa Baldon, napilitan lang si Wilfredo na dalhin ang kaniyang anak sa trabaho dahil iniwan na sila ng ina nito ilang buwan na ang nakalilipas.

Idineklarang dead on arrival ang bata nang dalhin ito sa Eastern Visayas Regional Medical Center.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.