San Mateo at iba pang mga operators kakasuhan dahil sa jeepney strike

By Jay Dones October 18, 2017 - 12:58 AM

 

Kakasuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepney driver at operator na mapapatunayang namilit ng kanilang mga kapwa driver na lumahok sa dalawang araw ng jeepney strike.

Ito’y matapos makarating sa ahensya na may ilang mga operators at driver na nagprotesta sa probinsiya ay naging marahas sa jeep na hindi sumama sa kanilang protesta.

Ang ilan pa ay nagbasag ng mga windshield at mga side mirror ng mga jeepney na pumasada sa gitna ng kilos protesta.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at tagapagsalita ng ahensya, bukod sa kaso ay maaaring matanggalan pa ng prangkisa ang mga ito.

Kabilang aniya sa kanilang sasampahan ng kaukulang reklamo ay ang presidente ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide o PISTON na si George San Mateo.

Gayunman, dahil hindi naman aniya operator ng jeep o driver si San Mateo ay maghaharap na lamang ng kaukulang reklamo ang LTFRB laban dito.

Dahil aniya sa ilang mga driver at operator ang humarang rin sa kalsada, maaring makasuhan ng paglabag sa Philippine Highway Act ang mga ito.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.