Mga kidnapper ng mga foreign casino players huli ng PNP-AKG

By Cyrille Cupino October 17, 2017 - 08:20 PM

Nailigtas ng PNP-Anti Kidnapping Group ang tatlong foreign nationals sa Guiginto, Bulacan.

Ayon kay PNP-AKG Director Sr. Supt. Glenn Dumlao, kabilang sa mga na-rescue ang isang Chinese na si Liu Xia, kasama ang mga Korean nationals na sina Park Pan Ho, at Yeum Sun-ki.

Na-rescue ang mga biktima sa isang safehouse ng mga kidnapper sa Felville Subdivision sa Sta. Cruz, Guiginto, Bulacan.

Arestado naman ang anim na mga suspect na sina Ernesto Marella, Alexander Dionisio, Jomar Dela Peña, Raymond Dela Peña, Ferdie Dionisio at babaeng si Florida Dionisio.

Ayon kay Dumlao, pawang mga casino players ang mga biktima, at kumagat lamang sa modus operandi ng mga suspect na magpapautang kapalit ng malaking interes.

Ipinaliwanag ni Dumlao na kapag hindi nakapag-bayad ang mga biktima ay dudukutin ang mga ito at ipatutubos sa kani-kanilang mga pamilya.

Aminado naman ang hepe ng PNP-Anti-Kidnapping Group na problema talaga nila ngayon ang kahalintulad na modus na pumupwesto sa Entertainment City sa Pasay para makapang-biktima ng mga casino players na uutang sa kanila kapalit ng malaking halaga.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

TAGS: akg, chinese, Kidnapping, korean, PNP, pnp akg, akg, chinese, Kidnapping, korean, PNP, pnp akg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.