239 na ang patay, 275 sugatan sa Mogadishu truck bombing

By Jay Dones October 16, 2017 - 03:11 AM

Umakyat na sa 239 ang bilang ng nasawi samantalang 275 ang sugatan sa pagpapasabog ng ‘truck bomb’ ng mga teroristang grupo sa Mogadishu, na kabisera ng bansang Somalia noong Sabado.

Ayon sa mga otoridad, malaki pa ang posiblidad na tumaas pa ang bilang ng nasasawi dahil sa marami pa ang malubhang sugatan sa insidente.

Tinagurian na ring national disaster ng pamahalaan ng Somalia ang terror bombing dahil sa dami ng nasawi at nasugatan na pinaniniwalaang kagagawan ng mga miyembro ng Al-Qaida, Al-Shabab extremist group.

Pinasabog ng mga terorista ang truck na puno ng bomba malapit sa isang hotel at palengke na nitong Sabado.

Ito na ang itinuturing na pinakamatinding terror attack na naganap sa naturang bansa sa kasalukuyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.