Mahigit 20 patay sa pagsabog sa Somalia

By Rhommel Balasbas October 15, 2017 - 02:17 AM

Hindi bababa sa 20 ang namatay matapos ang pagsabog na naganap sa Mogadishu, Somalia kagabi.

Isang truck bomb ang sumabog malapit sa entrance ng isang hotel sa siyudad habang isa pang pagsabog ang naganap sa Madina Disctrict ng lungsod.

Ayon kay Senior Police Officer Ibrahim Mohamed, mahigit 20 na ang katawang narerekober sa lansangan at marami pa anya ang natabunan ng mga building na nasira ng naganap na pagsabog at dose-dosena rin ang sugatan.

Hindi pa naman malinaw kung sino ang nasa likod ng pag-atake.

Gayunpaman, ang lungsod ng Mogadishu ay regular na target ng al-Qaeda linked na al-Shabab group na kumakalaban sa pamahalaan.

TAGS: Bombing, Mogadishu, Somalia, Bombing, Mogadishu, Somalia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.