Negosyante patay sa pananambang sa Silang Cavite

By Jay Dones October 14, 2017 - 10:59 PM

Kuha ni Jay Dones

Nasawi sa mga tama ng bala mula sa M-16 rifle at cal. .45 na bala ang isang.negosyante makaraan itong tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Silang, Cavite.

Binaril ng malapitan ng mga hindi pa nakikilalang salarin hanggang bawian ng buhay ang biktimang nakilalang si Sander Rana, 39-anyos, negosyante, naninirahan sa Sta. Rosa Hills Subd. Bgy. Tartaria, Silang Cavite.9

Sa inisyal na imbestigasyon nina Sr. Insp. Ferdinand Vergara at PO2 Benjamin Ian Gran ng Silang police, nagmamaneho ng kanyang Toyota Fortuner na may plakang ZKA-717 ang biktima at kahihinto lamang sa tapat ng isang grocery store sa Imperial St. pasado alas 6:30 ng gabi, Sabado.

Pagbaba ng babaeng kasama nito sa sasakyan upang bumili sa naturang establisimiyento ay dito na biglang dumating ang isang kotse at
tumabi sa sasakyan ng biktima.

Dito na pinaulanan ng bala ng mga salarin na sakay ng kotse ang biktima bago tuluyang tumakas sa pinangyarihan ng krimen.

Sa crime scene, nakarecover ng mga basyo ng M-16 at cal. .45 ang mga otoridad.

Inaalam na ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa likod ng pagpatay sa biktima.

TAGS: cavite, Pananambang, Silang, cavite, Pananambang, Silang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.