71 anyos na pedopilya, arestado sa Makati

By Jan Escosio October 13, 2017 - 04:35 PM SHARE(S):
Photo from Makati City Police

Naaresto ng Makati City police ang 71-anyos na pedopilya na kumukuha ng serbisyo ng mga menor de edad.

Isa-isa nang lumulutang sa Makati City Police station ang iba pang biktima ng negosyante na kinilalang si Elias Cosme.

Inakusahan si Cosme na nagbabayad ng mga High School student para mairaos ang kamunduhan.

Ayon kay Makati City Police chief Sr. Supt. Gerry Umayao may mga iba pang biktima na nagsabi na magsasampa sila ng hiwalay na reklamo laban kay Cosme, ng Barangay Poblacion, sa lungsod.

Naaresto si Cosme sa One Central Condominum sa Salcedo Village, Makati City matapos dumulog sa kanila ang 15-anyos na biktima, kasama ang kanyang nanay.

Nalaman ng ina ang kaugnayan ng anak kay Cosme nang malaman na kumalat na sa social media ang mga malalaswang larawan nito.

Iniharap na rin sa inquest prosecutor si Cosme dahil sa mga paglabag sa Child Protection Act.

 

 

 

 

 

 

TAGS: 71 year old pedophile, Makati City Police, 71 year old pedophile, Makati City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.