Security guard, patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

By Cyrille Cupino October 13, 2017 - 09:05 AM SHARE(S):
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang security guard sa pamamaril sa Vitas Street, Brgy. 98, Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Margie Dordulo, 41 anyos, isang security guard at residente ng Ermita, Maynila.

Ayon kay Sr. Insp. Dave Abara, ang commander ng Smokey Mountain PCP, nakatambay sa lugar ang biktima dahil mayroon itong katagpo doon nang mangyari ang pamamaril.

Isang lalaking nakasakay sa bisikleta ang bumaril at agad tumakas nang bumulagta na ang biktima.

Nagtamo si Dordulo ng tama ng bala sa ulo at nadala pa sa Tondo Medical Center, pero binawian rin ng buhay.

Inaalam pa ang motibo sa likod ng pamamaril.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Security guard, Shooting Incident, Tondo Manila, Security guard, Shooting Incident, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.