WATCH: 6-wheeler closed van, tinupok ng apoy sa NLEX

By Mark Gene Makalalad October 13, 2017 - 08:37 AM SHARE(S):

Tinupok ng apoy ang isang sasakyan sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX).

Base sa video mula kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen lizada, kitang-kita ang pagliyab ng 6-wheeler na closed van at saan sunog na sunog ang harapan nito.

Nangyari ang insidente sa northbound ng NLEX bago sumapit sa Sta. Rita interchange.

Ayon kay Angelo Angeles, traffic specialist ng NLEX, partikular na pinangyarihan ng insidente ang lugar malapit sa Shell of Asia station.

Dahil dito nagkaroon ng masikip na trapiko sa bahagi ng northbound at southbound lanes ng NLEX.

Agad namang naka repsponde ang mga tauhan ng NLEX at mga bumbero kung saan napatay agad ang sunog pasadao 7:45 ng umaga.

Inaalam pa ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

TAGS: 6-wheeler van, dotr, fire incident, ltfrb, NLEX, Sta Rita interchange, 6-wheeler van, dotr, fire incident, ltfrb, NLEX, Sta Rita interchange

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.