LOOK: Ilang domestic flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio October 13, 2017 - 07:01 AM SHARE(S):

(UPDATE) Kanselado na ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Odette.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga kanseladong biyahe ang mga sumusunod:

PAL Express

  • 2P 2084 Manila to Basco
  • 2P 2085 Basco to Manila

Skyjet

  • M8 816 Manila to Basco
  • M8 817 Basco to Manila

Cebu Pacific

  • 5J 506 Manila to Tuguegarao
  • 5J 507 Tuguegarao to Manila

Kabilang ang Batanes at Cagayan sa mga lalawigang nakasailalim sa public storm warning signal number 2.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline companies para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Ang iba pang pasahero na mayroong biyahe ngayong araw sa mga lugar na apektado ng bagyo ay pinapayuhan din na mag-monitor sa susunod pang mga abiso ng MIAA.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: batanes, flight suspension, MIAA, NAIA, odette, Radyo Inquirer, Tropical storm, batanes, flight suspension, MIAA, NAIA, odette, Radyo Inquirer, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.