Bagyong Odette lumakas pa, nag-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo October 13, 2017 - 06:12 AM SHARE(S):

Lumakas pa ang Tropical Storm Odette matapos itong mag-landfall sa Sta. Ana Cagayan, alas 12:40 ng madaling araw.

Ang bagyo ay huling namataan sa bisinidad ng Allacapan, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 24 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Nakataas ang public storm warning signal number 2 sa Batanes, Cagayan, Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.

Habang signal number 1 naman sa Isabela, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, La Union at Benguet.

Ayon sa PAGASA mamayang gabi hanggang bukas ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo at magtutungo ng Vietnam.

Lalakas pa ito bilang isang typhoon bago tumama sa kalupaan ng Vietnam.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: odette, pagasa, Tropical storm, Weather in Philippines, odette, pagasa, Tropical storm, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.