Muslim wedding sa Cotabato pinasok ng gunman; Byenan patay, ‘groom’ sugatan

By Jay Dones October 13, 2017 - 02:34 AM SHARE(S):

 

Isa ang patay samantalang isa pa ang nasugatan makaraang pasukin ng armadong suspek ang isang mosque kung saan nagaganap ang isang kasalan sa Cotabato City, Huwebes ng umaga.

Nasawi sa pamamaril ang ama ng babaeng ikinakasal na si Nasifh Abdullah Sampiano, isang dating barangay chairman sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, tinamaan rin ng bala ang lalakeng mapapangasawa ng anak ng biktima na si Abil Gampong Balindong.

Ayon kay Chief Inspector Reynaldo Delatien, hepe ng Cotabato City police Station2, kasalukuyang ikinakasal ang babaeng anak ni Sampiano sa ‘groom’ na si Balindong sa isang Muslim wedding sa loob ng mosque sa Mall of Alnor compound nang biglang pumasok ang mga armadong salarin at namaril.

Matapos ang krimen, agad na tumakas ang suspek samantalang nadala pa sa pagamutan ang mga biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng motibo ng salarin sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.