Steven Seagal, nakipagkita kay Pangulong Duterte

By Jay Dones October 13, 2017 - 12:42 AM SHARE(S):

 

Naging bisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kilalang action star na si si Steven Seagal sa Malakanyang kagabi.

Nasa bansa si Seagal upang maghanap ng mga lugar kung saan maari itong gumawa ng kanyang mga bagong pelikula.

Kasama si Ilocos Sur governor Luis Chavit Singson, nakipagwentuhan ang ‘aikido master’ sa pangulo at masayang nagpakuha ng kanilang litrato sa mga mamamahayag.

Naging kilala si Seagal sa kanyang mga pelikulang ‘Above the Law’, ‘Hard to Kill’, ‘Out for Justice’ at Under Siege noong 1980’s at 1990’s.

Sa kanyang mga pelikula, ipinakita ng aktor ang kanyang husay sa ‘aikido’.

Si Seagal ay 7th dan master sa ‘aikido’ at Japanese ‘kendo’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.