WATCH: 11-anyos na batang babae, nakaligtas sa tangkang panghahalay ng tiyuhin sa QC

By Jong Manlapaz October 12, 2017 - 08:22 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Ulam ang tila ginawang pain ng tiyuhin para magawa nitong halayin ang kaniyang pamangkin na onse anyos grade 4 student sa Brgy. Bagong Silangan sa Quezon City.

Kinilala ng kaanak ng biktima ang suspek na si Roldan Roses, 22 anyos at tiyuhin ng batang babae.

Ayon sa ate ng biktima, habang naglalaro ang kanyang kapatid sa labas ng bahay, binigyan ni Roses ng ulam ang kaniyang pamangkin, kaya pumasok sa loob ng bahay ang bata para kumain.

Nang sumasandok na ng kanin ang biktima bigla na lamang siyang hinila ng suspek at hinubaran.

Nakiusap pa ang bata sa suspek na tigilan na siya, pero imbes na maawa tinakpan nito ang bibig ng pamangkin para hindi makasigaw.

Mabuti na lamang at pumasok ang kapatid ng biktima kaya natigil ang panghahalay ng suspek at mabilis itong tumakas.

Naaresto ang suspek sa bahagi ng Katuparan St., Brgy. Commonwealth.

Narito ang ulat ni Jong Manlapaz:

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 11 years old victim, bagong silangan quezon city, rape suspect arrested, 11 years old victim, bagong silangan quezon city, rape suspect arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.