LOOK: Class suspension ngayong araw, Oct. 12, dahil sa bagyong Odette

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2017 - 06:19 AM

Suspendido na ang klase sa lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Odette.

Inanunsyo ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang suspensyon ng klase sa lalawigan mula pre-school hanggang senior high school, public at private.

Simula kagabi hanggang ngayong umaga, nakararanas ng malakas at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa Cagayan.

Samantala sa iba pang mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1, iiral ang automatic suspension para sa pre-school batay sa DepEd Guidelines, maliban na lamang kung may hiwalay na anunsyo ang kanilang lokal na pamahalaan.

Narito ang listahan ng class suspension ngayong araw ng Huwebes, Oct. 12:

Pre-school to Senior High School:

  • Cagayan

Pre-school only

  • Isabela
  • Apayao
  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cagayan, class suspension, Tropical depression Odette, walang pasok, Cagayan, class suspension, Tropical depression Odette, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.