CA, tuluyan ng ibinasura ang appointment ni Ubial

By Rod Lagusad October 10, 2017 - 03:31 PM SHARE(S):

Ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment oni Health Secretary Paulyn Ubial ngayong araw.

Ayon kay Senator Gregorio Honasan, ang chair ng CA health committee na nasa 13 miyembro ng CA ang bumotong huwag nang ituloy ang kumpirmasyon nito.

Aniya mas nangibabaw ang mga isyung ibinato ng mga tutol sa kumpirmasyon ni Ubial kaysa sa mga nagawa nito para sa kagawaran.

Kaugnay nito, nagkaroon ng tatlong confirmation hearings ang naturang komite kung saan kasama si Kabayan party list Rep. Harry Roque na tumutol sa kumpirmasyon.

Si Ubial na ang ikalimang miyembro ng Gabinete na hindi nakalusot sa makapangyarihang CA.

Una nang na-reject ng CA sina Perfecto Yasay para sa DFA, Gina Lopez para sa DENR, Judy Taguiwalo para sa DSWD at Rafael Mariano para sa DAR.

 

TAGS: CA, doh, gringo honasan, Paulyn Ubial, CA, doh, gringo honasan, Paulyn Ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.