Pulis, patay sa pananambang sa Maynila

By Chona Yu October 10, 2017 - 11:26 AM

Kuha ni Richard Garcia

Patay ang isang pulis matapos tambangan ng riding in tandem sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si PO2 Joey Imperial na dating nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) at kalaunan ay nailipat sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), alas 6:45 ng umaga, nagbabasa ng dyaryo si Imperial sa kaniyang bahay sa 2016-B, Kalatas St. Sampaloc, Maynila nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Dalawang tama sa dibdib malapit sa puso at isa sa kanang kamay ang natamo ni Imperial.

Nakuha pa ni Imperial na tumakbo papasok ng bahay para kunin ang kanyang baril pero hindi na ito nakalabas para gumanti ng putok.

Naisugod si Imperial sa United Doctors Medical Center subalit ideneklarang patay ng alas 8:35 ng attending physician si Dr. Gilbert Robin.

Nabatid na ito na ang ikatlong beses na tinambangan si Imperial at siya ay nakaligtas sa unang dalawang pananambang.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang MPD para matukoy ang mga salarin at ang motibo.

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, Joey Imperial, manila police, metro news, NCRPO, quezon city police', Sampaloc Manila, ambush, Joey Imperial, manila police, metro news, NCRPO, quezon city police', Sampaloc Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.