Meralco, magpapatupad ng dagdag-singil ngayong buwan

By Isa Avendaño-Umali October 09, 2017 - 01:41 PM

Inanunsyo ng Manila Electric Company o Meralco na tataas ang kanilang singil sa kuryente ngayong Oktubre.

Ayon sa Meralco, nasa P0.03 per kilowatt hour ang dagdag-singil, na magrereflect na o nasa October bill na ng mga konsumer.

Sa power rate increase, ang mga kumukunsumo ng 200 kwh ay mayroong P12.00 na dagdag-halaga, habang sa 300 kwh ay P18.00; 400 kwh P24.00 at kapag 500 kwh, P30.00 ang dagdag-singil.

Katwiran ng Meralco, ang pagtaas sa singil ngayong buwan ay bunsod ng mataas na generation at iba pang factor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.