Pinay singer na si Alisah Bonaobra, tiyak na ang puwesto sa final six ng ‘X Factor UK’

By Mariel Cruz October 09, 2017 - 11:00 AM SHARE(S):
PHOTO: X FACTOR UK

Pasok na sa final six ng “The X Factor UK” sa ilalim ng team ni TV host Sharon Osbourne ang Pinay singer na si Alisah Bonaobra.

Una pa lamang ay napahanga na ni Bonaobra ang audience at mga hurado dahil sa kanyang powerful rendition ng “All By Myself”, kung agad siyang binigyan ng puwesto sa final six.

Pero, hindi nagpatalo ang isa pang contestant na si Grace Davies kung saan sinurpresa niya ang audience at mga hurado partikular na si Simon Cowell sa kanyang pag-awit ng sarili niyang music composition.

Kung kaya nagdesisyon si Osbourne na ibigay ang puwesto kay Davies, na naging dahilan ng pagtatapos ng X Factor journey ni Bonaobra.

PHOTO: X FACTOR UK

Pero ikinagulat ng audience ang nasabing desisyon ng TV host, kung saan sabay-sabay nilang isinigaw ang pangalan ni Bonaobra, na naging sanhi naman ng pagbabago ng isip ni Osbourne.

Muli niyang tinawag sa stage si Bonaobra kung saan hiniling niya na lumaban ito ng sing-off sa mga contestants na sina Scarlett Lee at Raielle, na una nang binigyan ng puwesto sa final six.

Sa huli, nagtagumpay pa rin sa pagsungkit ng puwesto sa final six ang Pinay singer, kung saan ginulat niya ang audience sa kanyang pag-awit sa kantang “Bang Bang” ni Jessie J.

Mas lalo pang humanga ang lahat nang ipakita ni Bonaobra ang kanyang rapping skills, kung kaya’t dito na nagdesisyon si Osbourne na pinal nang ibigay sa Pinay singer ang final six spot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.