Ginebra at Meralco, maghaharap sa Finals ng PBA Governor’s Cup

By Kabie Aenlle October 09, 2017 - 03:42 AM

 

Mula sa PBA

Makakaharap ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts sa Finals ng 2017 PBA Governor’s Cup matapos nilang talunin ang TNT Katropa.

Nagtapos ang kanilang semifinals series sa loob ng apat na laro sa iskor na 115-105, pabor sa Gin Kings.

Nakuha naman ni Justin Brownlee ang kaniyang career-high na 46 points, habang si LA Tenorio naman ay nakasunkit ng 25 points.

Na-eject naman sa unang quarter pa lang ang import ng Katropa na si Glen Rice Jr., kaya dumepende na lang sila sa lakas nina Troy Rosario at Jayson Castro.

Naging mahigpit ang laban, dahil nalamangan pa ng Katropa ng 18 points ang Gin Kings sa third quarter, pero nagawa nilang makahabol sa fourth quarter.

Nag-tabla ang laban pagdating sa 9:21 mark sa fourth quarter, na niratsada na ng Ginebra hanggang makamit nila ang tagumpay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.