Impeachment case vs. Sereno, haharangin ng mga taga-LP

By Kabie Aenlle October 09, 2017 - 03:44 AM

 

Ginagawa na ng mga miyembro ng Liberal Party (LP) ang lahat ng kanilang makakaya para harangin ang impeacehment kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara.

Nais kasi ng ilang mga mambabatas na nasa oposisyon na matalakay pa nang masinsinan ang impeachment case na inihain laban kay Sereno.

Kinabibilangan ito ng mga mambabatas na nasa oposisyon na sina Representatives Arlene Bag-ao, Kit Belmonte, at Edcel Lagman, kasama pa si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi naman miyembro ng LP.

Nanawagan ang mga nasabing mambabatas kay House committee on justice chair Rep. Reynaldo Umali na bigyan pa ng panahon ang mga mambabatas para busisiin nang maigi ang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon.

Ayon kay Bag-ao, tungkulin nilang magsalita kung may nakikita silang mali sa nangyayari, habang iginiit naman ni Belmonte na napapansin niyang tila minamadali ng Kamara ang proceedings.

Samantala, nanawagan naman si Gadon kay Sereno na lumagda ng bank secrecy waiver para ipakitang wala siyang itinatagong yaman.

Ayon kasi kay Gadon, hindi naman natugunan ng kampo ni Sereno ang tungkol sa isyu ng hindi tapat na paghahayag nito ng kaniyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Aniya pa, kung walang itinatago si Sereno, dapat ay handa siyang gawin ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.