Iza Calzado, engaged na sa kanyang british boyfriend

By Mariel Cruz October 08, 2017 - 06:26 PM SHARE(S):

Engaged na ang aktres na si Iza Calzado sa kanyang British boyfriend na si Ben Wintle.

Sa Instagram post ng fashion designer na si Rajo Laurel, makikita ang pagluhod ni Wintle habang inaalok si Iza ng kasal.

Sa video naman na ibinahagi ni Noel Ferrer sa social media, makikita na emosyunal na tinanggap ni Iza ang singsing, na sinundan ng pagyakap sa kanyang boyfriend.

Taong 2011 nang magkakilala ang magkasintahan sa isang magazine event.

Ayon kay Iza, heartbroken siya noong mga panahon na nakilala niya si Wintle.

Nilapitan aniya siya nito at tinanong kung pwede siyang i-add sa Facebook, pero sa halip na sumagot ay natawa lamang siya at sinabi kay Wintle na kunin na lang ang kanyang cellphone number.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.