MMDA, umaasa na mababawasan ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA sa papalapit na Pasko

By Angellic Jordan October 08, 2017 - 05:30 PM

Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mababawasan ng hindi bababa sa 3,200 ang bilang ng mga sasakyang magbibiyahe sa Edsa tuwing umaga.

Ito ay matapos ipatupad ang bagong batas sa ilang malls sa lugar para sa papalapit na Kapaskuhan.

Ayon kay MMDA assistant general manager for planning Jojo Garcia, ipagbabawal na ang pagtatatag ng weekday sales ng mga malls simula October 15.

Kasama ang mall operators, nakapagkasunduan na magsisimulang magbukas ang mga malls bandang alas onse ng umaga at ihihinto ang panggabing delivery ng non-perishable goods.

Ayon sa opisyal, ipapatupad ang naturang batas mas maaga ng isang buwan kumpara sa pagkakaimplementa noong nakaraang taon hanggang Januray 15, 2018.

Sa datos ng MMDA, tumataas ng 20 percent ang bilang ng mga sasakyan sa bumibiyahe sa Metro Manila sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa tulong ng naturang batas, sinabi ni Garcia na inaasahang 200 sasakyan ang mababawasan sa bumibiyahe kada mall tuwing umaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.