LRT 1, magbibigay ng libreng sakay para sa mga lolo at lola ngayong araw

By Angellic Jordan October 08, 2017 - 10:17 AM SHARE(S):
PHOTO FROM LRT 1’S TWITTER ACCOUNT

Magkakaroon ng libreng sakay sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit – 1 o LRT 1 para sa mga matatanda o senior citizen ngayong araw, October 8.

Sa Twitter account ng LRT 1, inabisuhan ang publiko sa libreng-sakay para sa selebrasyon ng Elderly Family Week ngayong taon.

Anila, ipakita lamang ang kanilang Senior Citizen’s ID na inisyu ng Office of the Senior Citizens Affairs o anumang government-issued IDs para makakuha ng libreng-sakay.

Una nang nagbigay ng libreng sakay para sa mga senior citizen ang LRT 2 noong nakaraang October 2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.