FEU wagi kontra Adamson sa game 2 ng Premier Volleyball League semis

By Rhommel Balasbas October 08, 2017 - 02:12 AM SHARE(S):

Nakabawi na ang Far Eastern University sa game 2 ng semi-finals series kontra Adamson sa iskor na 21-25, 27-25, 25-20, 23-25, 15-11 sa Premier Volleyball League.

Dahil dito, muling maghaharap ang Lady Tawaraws at Lady Falcons sa Game 3 sa Lunes kung saan malalaman na kung sino ang makakapasok sa Finals ng cup.

Susubukin ang katatagan ng Lady Falcons matapos ang ankle injury ng kanilang Libreo na si Jellie Tempiatura.

Matatandaang nauna na ring nagkaroon ng injury ang star hitter ng koponan na si Jema Galanza at pansamantalang hindi nakakapaglaro.

Double victory naman ito sa FEU matapos magwagi rin ang men’s team ng pamantasan kontra sa NU Bulldogs.

TAGS: FEU vs AdU, Lady Falcons, Lady Tamaraws, Premier Volleyball League

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.