PAL, magbabayad na ng P6B sa pamahalaan

By Rod Lagusad October 06, 2017 - 07:25 PM

Magbabayad na ang Philippine Airlines (PAL)ng anim na bilyong piso sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA)

Ayon sa joint statement ng Department of Transportation (DOTr) at PAL ay nagkaroon sila ng resolusyon kaugnay ng mga hindi nabayarang mga fees ng naturang airline.

Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapasara ang hub ng PAL sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung hindi mababayaran nito ang mga fees nito.

Nakasaad din sa joint statement na isa sa mga dahilan kung bakit pumayag ang PAL na makipag-settle ay para maipakita ang tiwala at confidence nito sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Tiniyak naman ng PAL na kanilang pananatilihin na updated at current ang kanilang mga transaksiyon sa CAAP AT MIAA.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, fees, MIAA, NAIA, PAL, dotr, fees, MIAA, NAIA, PAL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.