Lalaking natutulog sa kalye, pinagbabaril sa Commonwealth Ave. sa QC

By Justinne Punsalang October 06, 2017 - 08:31 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Hindi na muli pang nagising ang isang lalaking natutulog matapos itong pagbabarilin sa labas ng isang hardware store sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Barangay Holy Spirit sa lungsod Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alberto Lopez, apatnaput isang taong gulang na isang jeep at UV barker sa lugar.

Sinasabing pitong mga nakasakay ng motorsiklo ang lumapit sa biktima habang nahihimbing ito sa pagtulog.

Tatlo sa kanila ang nagpaulan ng bala kay Lopez, habang ang iba naman ay nagsilbing lookout.

Matapos ang insidente ay kaagad na tumakas ang mga gunmen.

Ayon sa pamangkin ng biktima, dating gumagamit ng iligal na droga si Lopez ngunit tumigil na ito. Hindi rin niya alam kung mayroon bang kaaway ang tiyuhin na posibleng nasa likod ng pamamaslang.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente ng pamamaril.

 

 

 

TAGS: commonwealtg quezon city, Shooting Incident, commonwealtg quezon city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.