Mag-anak patay sa sunog na naganap sa Mandaue City

By Dona Dominguez_Cargullo October 05, 2017 - 08:00 AM

PHOTO: Cebu Daily News

Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya makaraang masunog ang tinitirahan nilang bahay sa Mandaue City, Cebu.

Naganap ang sunog alas 4:10 ng madaling araw ng Huwebes, Oct. 5 sa Barangay Tipolo.

Nang maapula ng mga bumbero ang apoy, natagpuang wala nang buhay ang mag-asawang sina Antonio at Maricel Paz na kapwa 33 taong gulang at anak nilang lalaki na si Jay, 10 taong gulang at grade 5 student.

Ayon kay SF01 John Herediano, Mandaue City fire investigator, na-trap umano ang mag-anak sa loob ng kanilang bahay na nasa compound ng imbakan ng mga kahoy.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa ground floor ng bahay.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3 died in Mandaue Fire, cebu, Mandaue City FIre, 3 died in Mandaue Fire, cebu, Mandaue City FIre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.