Human Rights Award ni Aung San Suu Kyi, pinababawi

By Rhommel Balasbas October 05, 2017 - 12:13 AM SHARE(S):

 

Pinababawi ang “Freedom of Oxford” na iginawad kay Myanmmar leader Aung Sun Suu Kyi dahil sa pagresponde nito sa nagaganap na Rohingya crisis.

Ibinigay sa lider ang honorary title noong 1997 dahil sa kanyang pakikipaglaban upang makamit ang demokrasya at bilang alumna ng siyudad.

Gayunpaman, sa botong “unanimous” ng Oxford City Council, irerekomenda ang pagbawi sa parangal dahil sa nakakabahalang pananahimik ng lider sa nararanasan ng mga Rohingya Muslims sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ayon kay Oxford Councilor at Labour Party member Mary Clarkson, nadudungisan ang reputasyon ng siyudad matapos parangalan ang taong umano’y nagbubulag-bulagan sa karahasan.

Nasa 500,000 Rohingya Muslims na ang lumikas dahil sa lumalalang sitwasyon sa Myanmar.

Sumulat anya ang City Council kay Suu Kyi upang ipatigil ang ethnic cleansing na nagaganap sa kanyang bansa ngunit wala anya silang natanggap na sagot.

Matatandaang itinanggi pa ng lider na mayroong nagaganap na sexual violence sa kababaihan at tinawag ang mga akusasyong “fake rape”.

Ang rekomendasyong bawiin ang parangal ng lungsod ay ipa-finalize sa susunod na pulong ng council sa Nobyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.