Alvin Pasaol ng UE, record-breaker sa UAAP

By Rhommel Balasbas October 05, 2017 - 12:05 AM SHARE(S):

 

Gumawa ng panibagong record ang manlalaro ng University of the East na si Alvin Pasaol sa kasaysayan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Ito ay matapos makapagtala si Pasaol ng career high na 49 points, ang pinakamataas na iskor na naitala ng isang manlalaro sa UAAP matapos ang 15 taon.

Naungusan ni Pasaol ang record ni Jeff Napa, kasalukuyang coach ng Colegio de San Juan de Letran na atleta ng National University noong 2002 na may 43 points.

Nakuha ng UE Warriors player ang 49 na puntos sa loob lamang ng 32 minuto na paglalaro.

Gayunpaman, hindi ito naging sapat para matalo ng koponan ang nakalaban na De La Salle Green Archers sa iskor na 100-106.

Natalo man ang koponan, nakuha naman ni Pasaol ang respeto ng mga manonood matapos itong i-cheer sa pagtatapos ng laban.

Maging si De La Salle University star Ben Mbala na nakakuha rin ng kanyang career high score na 39 points kahapon ay napahanga ni Pasaol.

Sandaling nagyakapan ang dalawa na kapwa kinikilala ang effort ng bawat isa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.