Duterte: Ilalabas ko ang bank accounts ko sa impeachment court
Sinabi ng pangulo na sa takdang panahon ay ilalabas din niya ang kanyang mga bank accounts kasabay ng hamon na sampahan siya ng impeachment complaint at doon niya ilalabas ang mga ito.
Tinawag rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na “mistress” ni Sen. Antonio Trillanes si dating Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Julia Bacay-Abad.
Isa umanong concerted effort ang ginagawa ng mga kalaban niya sa pulitika partikular na ng ilang mga mambabatas para mapatalsik siya sa pwesto.
Muling ring inulit ng pangulo na kasabwat ang Office of the Ombudsman sa nasabing hakbang.
Sinabi rin ng pangulo na hindi nag-iisip si Sen. Antonio Trillanes kaugnay sa kanyang mga gawa-gawang bintang kaugnay sa sinasabing ill-gotten wealth ng pamilya Duterte.
Pwede naman umanong lumabas ang tunay na records ng kanyang mga bank accounts kung ito ay sisilipin ng mga bank officials pero tiniyak ng pangulo na manangot sa batas ang mga ito.
Samantala, titiyakin rin umano ng pangulo na uusad ang impeachment charges laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Binuweltahan rin ng pangulo si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nagsabing namumuhay siya ng simple.
Hindi umano totoo ito dahil isa si Sereno sa mga hindi sumusunod sa kanyang panawagan na pagtitipid sa paggastos sa pera ng bayan.
Ilang mamahaling Sports Utility Vehicles na bulletproof, mamahaling hotel accomodations at madalas na byahe sa abroad ang isinukli niya sa panawagang iyun.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.