50 bahay, nasunog sa Caloocan

By Jong Manlapaz October 04, 2017 - 04:19 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Tinupok ng apoy ang mahigit 50 bahay sa Macabalo compound, Brgy. 36 Caloocan City.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Lina Catacotan bandang 3:45 ng hapon na mabilis na umakyat sa ikalimang alarma.

Dahil sa insidente, nawalan ng bahay ang mahigit 100 pamilya.

Nahirapan naman ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa kipot ng mga kalsada.

Dahil sa sentro ng compound nagsimula ang suno,g kinailangan na umakyat ng mga bumbero sa mga bubungan upang bombahin ng tubig ang apoy.

Samantala habang abala ang lahat sa pag-apula ng sunog, ilang residente naman ang nabiktima ng mga magnanakaw.

Sa kabuuan walang naitalang nasawisa sunog.

Tinatayang nasa 1.5 milyong piso ang halaga ng tinupok ng mga ari-arian habang Idineklara namang fire out ang sunog pasado 8 ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.