DFA, inaalam na kung may nadamay na Pinoy sa Las Vegas massacre

By Angellic Jordan October 03, 2017 - 12:20 AM

 

Patuloy na inaalam ng Department of Foreign Affairs kung may apektadong Pilipino sa insidente ng pamamaril sa Route 91 Harvest music festival sa bahagi ng Mandalay Bay Casino sa Las Vegas.

Ayon kay DFA spokesperson Robespierre Bolivar, inaalam na ng konsulada ng Pilipinas sa Los Angeles ang pinakahuling ulat sa nangyaring insidente.

Tiniyak naman ng ahensya na may magreresponde at mag-aasikaso sa mga kababayang Pilipono sa lugar.

Sa ngayon, wala pang naitatalang apektadong Pilipino sa pamamaril.

Samantala, umabot na sa dalawampu katao ang kumpirmadong patay habang mahigit isangdaan naman ang sugatan sa naganap na mass shooting.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.