Babaeng kasama ng suspek sa Las Vegas mass shooting natagpuan na

By Den Macaranas October 02, 2017 - 08:42 PM

Las Vegas Police Department

Hawak na ng mga tauhan ng Las Vegas Metropolitan Police Department si Marilou Danley na sinasabing “associate” ng napatay ng suspek sa mass shooting na si Stephen Paddock.

Bagaman hindi na nagbigay pa ng ilang mga detalye, sinabi ni Las Vegas Metropolitan Police Sheriff Joseph Lambordo na kasalukuyang iniimbestigahan ang nasabing babae na nauna na nilang ikinunsidera bilang person of interest.

Si Danley ang sinasabing kasama ni Paddock na pumasok sa Mandalay Bay Casino ilang oras bago naganap ang itinuturing ngayong na deadliest mass shooting spree sa buong kasaysayan ng U.S.

Sa kanyang LinkedIn account ay sinasabing “gambling and professional” si Danley na residente sa Reno, Navada.

Ang 62-anyos na si Danley ay nagtrabaho rin  bilang “hostess” sa Atlantis Casino and Resort Spa hanggang noong 2013.

Samantala, nagpahatid naman ng pakikiramay si U.S President Donald Trump sa lahat ng mga nabiktima sa pamamaril.

Kaagad rin niyang inutusan ang mga concerned government agencies na alamin ang puno’t dulo ng ginawang pamamaril ni Paddock.

TAGS: danl;ey, las vegas shooting, mandalay, mandalay bay, Nevada, paddock, danl;ey, las vegas shooting, mandalay, mandalay bay, Nevada, paddock

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.