Pahayag ng 2 testigo, nagtugma; Carl Arnaiz binaril ng nakaluhod at nakaposas

By Len Montaño, Ruel Perez October 02, 2017 - 12:16 PM

Carl Angelo ARnaiz
Photo: Prosecutor Darwin Cañete

Dalawang testigo ang nagsabi sa pagdinig sa Senado na nakaluhod at nakaposas ang 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz nang barilin ito ng dalawang pulis sa Caloocan.

Sa una paglutang sa imbestigasyon ng Senado, itinuro ng taxi driver na Tomas Bagcal, na umano’y hinoldap ni Arnaiz, sina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita na umano’y bumaril sa binatilyo noong August 18.

Sinabi sa hearing ni Bagcal na hinoldap siya ni Arnaiz at ng isa pang binatilyo at tinutukan siya ng kutsilyo.

Hawak na anya ng mga pulis si Arnaiz nang mangyari ang pamamaril dito.

Malayo umano ang taxi driver kay Arnaiz kaya hindi niya narinig kung may sinabi ito pero ang hitsura umano nito ay nakaluhod at nakataas ang kamay.

Samantala, sinabi ng isa pang testigo na si Joe Daniel, na malapit sa lugar kung saan binaril si Arnaiz, na nakita niya ang mukha nito habang nakaluhod na binaril ng mga pulis na sina Perez at Arquilita.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan police, carl angelo arnaiz, Radyo Inquirer, senate hearing, caloocan police, carl angelo arnaiz, Radyo Inquirer, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.