761 katao sugatan sa marahas na dispersal sa Catalonia, Spain

By Jay Dones October 02, 2017 - 04:05 AM

 

Umakyat na sa 761 ang bilang ng mga nasugatan sa marahas na dispersal ng mga pulis sa grupo ng mga residente ng Catalonia, Spain na bumoboto para sa isang independence referendum, kahapon.

Ilang mga riot police ang pinasok ang mga voting precincts at pinagtataboy ang mga mga botante sa pagsisikap na pigilin ang pagsasagawa ng botohan.

Ang ilan, nasaktan makaraang paputukan ng mga rubber bullet ng mga pulis na nagtangkang pigilin ang botohan para sa independence referendum.

Sa independence referendum, pagbobotohan kung nais ng publiko na tuluyang humiwalay ang Catalonia mula sa Espanya.

Gayunman, sa desisyon ng hukuman sa Spain, idineklarang iligal ang pagsasagawa ng referendum kaya’t tinatangka itong pigilin ng Madrid.

Ang Catalonia ay isang mayamang rehiyon sa northeastern part ng Spain na may sariling regional government.

Gayunman, nais nitong humiwalay sa Espanya na mariing tinututulan ng national government.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.