Isang Chinese national, patay sa pananambang sa Pasay City

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 05:22 AM
UPDATED. Patay ang isang Chinese national matapos pagbabarilin ang sasakyan nito sa tapat ng isang hotel sa kanto ng EDSA at Roxas Boulevard sa lungsod ng Pasay. Kinilala ang biktima na si Zhizhu Wu na residente ng Binondo, Maynila. Ayon sa saksi sa insidente, limang kalalakihan na sakay ng tatlong motorsiklo ang nagpaulan ng bala sa puting Toyota Previa ni Wu na may plakang ZPB 297. Isinugod pa sa San Juan de Dios Hospital si Wu ngunit idineklara itong dead on arrival. Basag ang windshield at bintana sa may passenger side ng sasakyan dahil sa dami ng pumasok na bala sa loob. Bahagya nang sumisikip at bumabagal ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa insidente.

TAGS: ambush, Pasay City, ambush, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.