Isang sasakyan, tinambangan sa Pasay City

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 03:37 AM

Pinagbabaril ang isang puting Toyota Previa na may plakang ZPB 297 sa tapat ng isang hotel sa kanto ng EDSA at Roxas Boulevard sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa saksi sa insidente, limang kalalakihan na sakay ng tatlong motorsiklo ang nagpaulan ng bala sa naturang sasakyan na may lulan na isang lalaki.

Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado ang pagkakakilanlan ng biktima, ngunit basag ang windshield at bintana sa may passenger side ng sasakyan dahil sa dami ng pumasok na bala sa loob.

Bahagya nang sumisikip at bumabagal ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.