Dalawang binata, arestado dahil sa pagnanakaw ng motor sa Taguig

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 03:06 AM

Arestado ang dalawang binata, kabilang ang isang menor de edad dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Barangay Upper Bicutan sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Khalid Guiao, labing siyam na taong gulang, habang isang labing anim na taong gulang na binata ang kasama nito na inaresto ng Taguig City Police Community Precinct 2.

Ayon sa paunang impormasyon ng mga otoridad, nakatanggap sila ng reklamo na ninakaw umano ng dalawang binata ang motorsiklo ng biktimang si Joseph Ryan Recuso, kaya naman nagsagawa sila ng operasyon laban sa dalawa.

Pagdating sa tinitirhan ng mga suspek, nakita ng mga pulis ang anim na pinagkalas-kalas na mga motorsiklo, ngunit hindi dito kabilang ang motor ng biktima.

Nakatakdang kasuhan si Guiao ng paglabag sa RA 10883 o Anti Carnapping Act, habang itinurnover naman sa DSWD ang menor de edad nitong kasama.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.