Lalaki, patay sa pamamaril sa North Caloocan

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 03:05 AM

Pinagbabaril hanggang sa napatay ang isang lalaki sa labas mismo ng kanyang tinitirhan sa Barangay 176, Bagong Silang, sa lungsod ng Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Wilber Singco, apatnaput pitong taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang bumaril sa biktima na nagtamo ng multiple gunshot wounds, dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Sinasabing apat na putok ng baril ang narinig sa lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng kalibre cuarenta y singkong bala na ginamit sa pamamaslang.

Pagkukwento ng mga kapitbahay ni Singco, noon umano ay napagbintangang nagnakaw ng tricycle ang biktima na posibleng motibo sa pamamaril.

Samantala, kamakailan lamang ay pinagbabaril naman ang anak ni Singco at nakaligtas ito.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.