DLSU, tinambakan ang UST sa Season 80 ng UAAP Men’s Basketball

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 01:25 AM

Photo: INQUIRER.net/Tristan Tamayo

Tinambakan ng La Salle Green Archers ang UST Growling Tigers sa kanilang katatapos lamang na laro para sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament.

Sa iskor na 115-86 na pabor sa La Salle, tila natakpan ng koponan ang nauna nilang pagkatalo laban sa UP Fighting Maroons noong nakaraang linggo.

Ayon kay Ben Mbala ng La Salle, kinailangan nilang magpakitang gilas para bawiin ang pagkakatalo nila sa UP.

Tila nagsilbing aral ang pagkakatalo nila sa Fighting Maroons dahil nilimitahan ng mga manlalaro ng Green Archers na maka-three points ang Growling Tigers.

Ayon kay Mbala na nakapagbigay ng 29 points para sa koponan, sa naturang laro kontra sa UST ay naipamalas nila ang mas magandang defense, partikular na ang kanilang Mayhem Defense.

Ito anya ang pumwersa sa UST na magkaroon ng 35 turnovers na nagresulta naman sa 37 points para sa La Salle.

Dagdag pa nito, mas maganda rin ang assists na ipinakita ng Green Archers, kung saan 26 ang kanilang naitala.

Aniya, sa kabuuan, mas maganda talaga ang kanilang naging performance ngayong araw.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.