TNT, tinalo ang Rain or Shine; pasok na sa Semis ng PBA Governors’ Cup

By Rhommel Balasbas September 30, 2017 - 04:49 AM

Pasok na sa Semi-finals ng PBA Governor’s Cup ang Talk N Text matapos talunin ang Rain or Shine sa iskor na 118-114 sa laban nila kagabi sa Araneta Coliseum.

Dikit ang naging laban ng dalawang koponan lalo na sa natitirang ilang segundo kung saan nagtie pa ang dalawang koponan sa iskor na 114.

Masaya naman si TNT Coach Nash Racela sa kinalabasan ng laban at inaming inasahan na nilang magiging mahirap ang laban kontra Rain or Shine.

Gayunpaman, masaya siyang pumabor ang pagkakataon sa kanilang team.

Nanguna sa laro si Rice na nagtala ng 34 puntos at 16 rebounds, smaantalang nakapagtala si Castro ng 20 points at 12 assists.

Makakalaban ng TNT ang defending champion na Brgy. Ginebra sa kanilang best-of-5 series na magsisimula na sa Lunes, October 2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.