DPWH nagpaliwanag sa asphalt laying sa C5 na nagresulta sa matinding pagsisikip sa daloy ng traffic

By Dona Dominguez-Cargullo September 29, 2017 - 03:59 PM

Nagpaliwanag ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isinagawa nilang pag-aaspalto sa C5 Bagong Ilog flyover southbound mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga.

Ang nasabing proyekto ay nagresulta sa matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa C5 southbound sa kasagsagan ng rush hour.

Sa kanilang post sa twitter, sinabi ng DPWH na mula alas 10:00 ng gabi ng Huwebes, Sept. 28 ay nagdatingan na lugar ang asphalting equipment na gagamitin sa pag-aaspalto.

Alas 11:15 ng gabi nang pormal na masimulan ang asphalting works at natapos alas 5:15 ng umaga ng Biyernes.

Gayunman, kinailangan pang tanggalin ang lahat ng ginamit at barriers kaya inabot ng alas 5:45 ng umaga bago tuluyang napadaanan sa mga motorista ang southbound ng Bagong Ilog flyover.

Dahil sa pagsasara ng flyover, maraming motorista ang maagang naperwisyo at inabot ng ilang oras sa kalsada.

Ilan sa mga naghayag ng pagkadismaya sa twitter ang nagsabi na mula alas 4:30 pa lamang ng madaling araw ay mistulang parking lot na ang C5 southbound mula pa lang sa tapat ng Tendiesitas.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Asphalt Laying, bagong ilog, C5, DPWH, flyover, mmda, traffic, Asphalt Laying, bagong ilog, C5, DPWH, flyover, mmda, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.