Miss Universe, kumpirmadong sa Las Vegas na gaganapin sa Nobyembre

By Dona Dominguez-Cargullo September 29, 2017 - 02:47 PM

Kumpirmado nang sa Las Vegas magaganap ang 66th edition ng Miss Universe ngayong taon.

Ito ang inanunsyo ng Miss Universe Organization sa pamamagitan ng kanilang official website at social media accounts.

Base sa anunsyo, ang international beauty pageant ay magaganap sa The AXIS at Planet Hollywood Resort & Casino sa November 26, 2017 alas 7:00 hanggang alas 10:00 ng gabi.

Ang FOX channel naman ang mag-eere ng beauty pageant.

Magbabalik din si Steve Harvey bilang host ng Miss Universe na kaniya nang ikatlong pagkakataon.

Noong nakaraang taon, dito sa Pilipinas ginanap ang Miss Universe pageant kung saan si Iris Mittenaere ng France ang kinoronahan.

Pambato ng Pilipinas ngayong taon ang Filipino-British beauty queen na si Rachel Peters.

 

 

 

 

TAGS: miss universe, Pageant, Radyo Inquirer, miss universe, Pageant, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.