WATCH: Lalaki patay matapos pagbabarilin sa loob ng bahay

By Justinne Punsalang September 29, 2017 - 09:39 AM

Kuha nI Justinne Punsalang

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang inuupahang bahay sa Tulip Street, West Fairview, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ronel Bravo, dalawamput tatlong taong gulang, isang truck driver at residente sa naturang lugar.

Sa pagsasalaysay ng kanyang kinakasama na si Liezel Roña, kagagaling lamang nila sa labas para bumili ng ice cream at gatas.

Nang paakyat na sila sa ikalawang palapag ng kanilang inuupahang bahay ay nakarinig umano ng kaluskos si Bravo at sinabihan siyang mauna nang umakyat.

Makaraan ang ilang segundo ay umalingawngaw na ang tatlong putok ng baril at nakita niyang nakahandusay sa sahig ng kanilang bahay ang kinakasama.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, metro news, quezon city, Shooting Incident, ambush, metro news, quezon city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.